
KAHULUGAN NG PRODUKSIYON
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang maging higit na mapakinabangan. Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang mapakinabangan. Ngunit, maaari din itong gamitin upang makabuo ng mesa. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa atin halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay na kinailangan upang mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at manggagawa na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.
SALIK NG PRODUKSIYON
Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-arawaraw na Pamumuhay ng Tao
Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa paunang ideya o konsepto ng produksiyon. Iyong natiyak ang kahalagahan ng mga produktong tinaguriang inputs bilang susi sa pagbuo ng mga produktong tinatawag na outputs. Natutunan mo rin na maaaring dumaan ng ilang proseso ang isang payak na bagay upang ito ay maging isang higit na mahalang produkto na maaaring tumutugun sa mga pangangailangan ng tao.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng salik (factors of production) nagiging posible ang produksiyon ng ibat ibang produkto na mahalaga sa buhay ng tao. Sa tulong ng mga gawain sa araling ito, iyong mahihinuha kung gaano kahalaga ang bawat salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw -araw na pamumuhay ng tao.
Apat na Salik ng Produksiyon
Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreurship. Suriin ang kahalagahan ng sumusunod na salik at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
1. LUPA bilang Salik ng Produksiyon
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
2. PAGGAWA bilang Salik ng Produksiyon
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangaangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas- paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-paggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar job. Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white collar ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawanito ang mga karpintero, drayber, magsasaka, at iba pa. Saho o sweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan.
3. KAPITAL bilang Salik ng Produksiyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitinang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng capital. Ang capital ay maaariding iugnay sa salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to Economic Growth” (1962), ang capital ay isa sa mga saliksa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking capital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na interes.
4. ENTREPRENEURSHIP bilang Salik ng Produksiyon
Itinuturing na pang-apat na salik ng produksyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon. Taglay ng isang entrepreneurang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inibasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong pamamaraanat estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:
Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo.
Ang produksyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, capital, at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyona tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
